January 23, 2026

Home BALITA Metro

Quezon City Public Library, magbibigay ng libreng Japanese Language Class

Quezon City Public Library, magbibigay ng libreng Japanese Language Class
Photo Courtesy: QCPL (FB), Pexels

Muling nagbabalik ang libreng Online Basic Japanese Language Class na handog ng Quezon City Public Library (QCPL) ngayong 2026.

Sa isang Facebook post ng QCPL kamakailan, inilatag nila ang mga detalye para makapagrehistro ang mga aplikanteng interesado.

Bukas ang pagpapatala hanggang Marso 31, 2026, sa pamamagitan ng link na ito. https://forms.gle/uj1q5txLYUxoTN4q6

Kinakailangan 18 ang edad pataas ng mga lalahok. 

Metro

‘Enerhiya sa basura?’ MMDA at DOE, lumagda ng kasunduan para solusyonan mga basura sa NCR

Bukod dito, kahingian din ang pagkakaroon ng laptop, desktop, o smartphone at stable na internet connection. Gayundin ang Zoom application account dahil sa platform na ito gaganapin ang klase.

Magsisimula ang klase sa Enero 22 mula 1 p.m. hanggang 3 p.m. Sakaling hindi mapabilang sa unang 500 kalahok, narito ang iba pang petsa na maaaring ikonsidera kada buwan:

Pebrero 19, Huwebes

Marso 26, Huwebes

Abril 23, Huwebes

Mayo 21, Huwebes

Hunyo 18, Huwebes

Hulyo 23, Huwebes

Agosto 20, Huwebes

Setyembre 24, Huwebes

Oktubre 22, Huwebes

Nobyembre 26, Huwebes

Matatandaang nauna na itong inilunsad ng QCPL noon pang 2019 kasama ang Jellyfish Education Philippines, Inc.