Nagpaabot ng pagbati si Optimum Star Claudine Barretto sa ex-boyfriend niyang si Mark Anthony Fernandez na nagdiriwang ng kaarawan.
Sa latest Facebook post ni Claudine nitong Lunes, Enero 19, sinabi niyang si Mark umano ang kaniyang “first everything.”
“I said this before, and l say it again.If I were to live my life all over again I'd still choose you to be my first. I'm so proud of the man you have become,” saad ni Claudine.
“I never thought I'd ever be friends with my ex, but Mark definitely is the exception,” pagpapatuloy niya. “A true gentleman with one of the kindest souls I have ever met. Happy birthday.”
Dagdag pa niya, “Thank you for never talking badly about me, in fact, you took all the blame and made sure I was always protected even from afar . I have no Regrets. Only great memories. I luv u ex.”
Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"bat may pa 'I LOVE YOU EX' ma? "
"Hahahaha pwedi naman pala mag I love you ex kaso baka mataga tayo nito pagnagkataon "
"hahhaha..akala ko ba si Rico?"
"First love never dies daw eh"
"Depende yan sa pagsasama nila at ugali meron sila! Meron din ako friend lahat ng ex nya naging friend nya hanggang makasal sya lahat sila invited pa lahat at abay pa! Kaya may tao siguro ganun hindi man sila nakatuluyan pero andun ang respect as a friend"
"Even my ex was telling me that he still loves me.."
"Sino ba nman ang hindi mag I LOVE U EX sa napaka DAKS!!!Ako din lablab ko mga EX ko.hahahaha"
"pwdi nmn pala gantung greetings ex! I Love you ex whahahaa"
Matatandaang nagsimulang mabuo ang relasyon nina Claudine at Mark noong 1995 matapos nilang gawin ang pelikulang “Pare Ko.” Ngunit naghiwalay rin sila makalipas ang isang taon.