Nakakaloka ang inamin ni Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition Big Winner Mika Salamanca patungkol sa ginawa niya noon kapag naliligo sa loob ng Bahay ni Kuya.
Sa latest episode ng vlog ng negosyante at social media personality na si Viy Cortez noong Linggo, Enero 18, kinumpirma ni Mika na 24/7 silang bantay-sarado bilang housemate ng PBB.
Aniya, “Wala talaga kaming privacy do’n. [...] Nakakatawa kasi noong nasa loob ng PBB, nalaman ko lang no’ng mga last week na, si AZ [Martinez] nagsabi sa akin, nakatalikod pala sila sa camera ‘pag naliligo.
“Kasi ako nakaharap,” dugtong pa ni Mika.
Sey tuloy ni Viy, “Gaga ka!”
Ayon kay Mika, apat na buwan umano ang ginugol nila noon sa loob ng Bahay ni Kuya. Wala silang konsepto ng oras at petsa.
Pero may natatanging housemate umanong nakabisado ang petsa ng inilagi nila simula nang maging opsiyal silang PBB housemates.
“Sino?” tanong ni Viy.
Sagot ni Mika, “Si Will.”
Matatandaang 2005 nang umere sa ABS-CBN ang unang season ng PBB. Sa kasalukuyan, may kabuuan na itong 19 na season. At ang PBB: Celebrity Collab Edition 2.0 ay umeere ngayon sa GMA.