January 26, 2026

Home BALITA

Mga labi ng OFW na natagpuang patay sa kuwarto niya, naiuwi na sa bansa

Mga labi ng OFW na natagpuang patay sa kuwarto niya, naiuwi na sa bansa
Photo courtesy: PNA, OWWA (FB)

Naiuwi na sa Pilipinas nitong Lunes, Enero 19, ang katawan ng Overseas Filipino Worker (OFW) na kamakailan ay natagpuang wala nang buhay sa kaniyang silid sa Abu Dhabi. 

Ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), kasalukuyan nang in-transit ang mga labi ni Mary Jill Muya papunta sa kaniyang tahanan sa Iloilo. 

Sa kaugnay na ulat, natagpuang walang buhay si Mary Jill sa kaniyang kuwarto noong Disyembre 31, 2025.

Ayon kay OWWA Administrator Patricia Yvonne Caunan noong Enero 16, ipinakikita sa record nila na si Mary Jill ay naging OFW na sa United Arab Emirates (UAE) noon pang 2011. 

Probinsya

Lalaking nambuhos ng mainit na kape sa jowa, sugatan matapos tagain at gantihan

Base naman sa panayam ng GMA Regional News sa pamilya ni Mary Jill, naniniwala silang may foul play sa likod ng pagkamatay nito at humihiling sila ng imbestigasyon sa pangyayari. 

Sean Antonio/BALITA