Ibinida ng hairstylist na si Jonathan Velasco ang hair cut session nila ni Queen of All Media Kris Aquino habang nasa loob ng isang silid, sa kaniyang Instagram post noong Enero 16, 2026.
"New hair, same brave spirit. Madam @krisaquino is on the mend!" saad ni Jonathan sa caption ng post.
"Please continue to keep her in your thoughts and prayers as she gets stronger every day," dagdag pa niya.
Sa comment section naman, mababasa ang tugon dito ni Kris.
"I am literally so grateful to be breathing," saad niya.
Photo courtesy: Screenshot from Kris Aquino/IG
Bumaha naman ng encouraging words at comments para sa agarang paggaling ni Kris, sa comment section ng kaniyang post.
Patuloy na nagpapagaling si Kris sa kaniyang multiple autoimmune diseases. Kamakailan lamang, nabanggit ng TV host-actress sa kaniyang Instagram post na may dalawang minutong antala sa kaniyang paghinga, nang sumailalim siya sa minor medical procedure kamakailan.
"I haven’t fully processed what happened,” ani Kris. “It was supposed to be a minor PICC line procedure BUT there was a span of time totaling almost 2 minutes when my lung stopped functioning — I stopped breathing.”
Kaya naman, delighted pa rin ang fans at supporters ng Queen of All Media matapos makitang kahit paano, patuloy na lumalaban si Kris sa kaniyang mga sakit, at isa na nga rito ang pagpapa-haircut.