Nagpakawala ng tirada ang radio at television personality na si DJ Chacha sa umano’y matatalino lang sa papel ngunit hindi naman kabisado ang realidad.
Sa X post ni DJ Chacha kamakailan, ipinaliwanag niya ang pagkakaiba umano ng matalino sa marunong lang.
Aniya, “Matalino ka nga, pero hindi ka marunong. You may have all the knowledge, pero wala kang wisdom. Magkaiba ang maraming alam sa alam kung ano ang tama.”
“Matalino on paper, pero ligaw sa reality. Let’s do better!” dugtong pa ng radio host.
Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Kilala ko yan. Yung tawag jan bookish. Hindi aware sa realpolitk Or the ways of a politician Short of calling it ‘kalakaran’ in politics. Sadly, many are for self-interest and survival. Hear it ngaw ngaw ?"
"Intellectual monsters"
"Hmmm senator index/chatgpt the peg?"
"Matalino at marunong. Parehong wala nito ang nga DDS. Bobo na on paper, bobo pa sa reality. "
"Trade mark ng mga pinkshit! And friends"
"Even if a person got Phd. an idiot will always be an idiot."
"Basta talaga kakampink automatic tanga at bobo"
"Mas kawawa ang bobo na nga pangit ugali"
"Pangalanan na yan."
Samantala, hindi naman na pinangalanan pa ni DJ Chacha kung sino ang pinapatungkulan niya sa kaniyang X post.