Intriga ngayon online kung sino ang papanoorin ng dating senador at “Pambansang Kamao” na si Manny Pacquiao sa pagitan ng sabay na laban ng kaniyang dalawang anak na sina Jimuel at Eman sa darating na Pebero 28, 2026.
Nakatakda kasing lumaban bilang undercard si Jimuel sa gaganaping WBO International Featherweight title na laban ng mga boksingerong sina Elijah Pierce at Lorenzo Parra sa Turning Stone Resort Casino sa Verona, New York.
Habang kasabay nito ang susunod ding laban ng undefeated sa record na 7-0 na si Eman kontra sa katapat nitong si Reynold Kundimang na may record na 9-7 sa event ng PMI Bohol Boxing Promotion na gaganapin sa Tagbilaran City, Bohol sa darating Pebrero 28.
Dahil dito, tila hindi mapigilang magtanong ng netizens kung saang laban pupunta at manonood ang kanilang ama na si Manny.
Ayon sa intriga ng Philippine Entertainment Portal o mas kilala bilang PEP.ph sa kanilang Facebook post niton Lunes, Enero 19, tila naungkat ang intriga mula sa magiging desisyon ni Manny sa nasabing parating na magkahiwalay na laban ng kaniyang mga anak.
“Kaninong boxing match kaya ang pupuntahan ng kanilang amang si Manny Pacquiao?” saad nila sa caption.
Screenshot mula sa Facebook post ng pep.ph.
Tila umami naman ng samu’t saring hula at reaksyon mula sa netizens ang naturang post ng nasabing page.
Narito ang ilang komentong iniwan ng mga tao sa kanilang post:
“Dapat sila Maglaban”
“Si emman ,sanay nman na wala ang kanyang ama . total lumaki siyang wala ang ama niya sa tabi niya ,kaya mauunawaan nman seguro ni emman kung si jimuel ang pupuntahan ng kanyang ama.”
“Sa bahay lang daw si manny”
“Bkit nman pinagsabay?”
“Para ka naman nag tanong kung maalat ba tubig s dagat...ok lang yan emman ako n laang manonood sayo”
“Dapat sila maglaban para magkaalaman na pag matalo si jimuel alis muna siya bahay nila palitan siya ni emman hahaha”
“Syempre Jimuel siya ang original son at mas magaling sampid lang si Eman.”
“SOO MALABONG MAKAPUNTA SI MP SA FIGHT NI EMAN, KASI HNDI NA PINAYAGAN NI SULTAN MAG-TRAINING SI EMAN SA MP PROMOTION, AT ISA PA FAVORITE NI MP YANG LEGAL AT PANGANAY NA ANAK NYA. HAYSS LABAN LANG EMAN, M4TANTE MAS SIKAT KA PA DIN KAY JIMUEL.”
“Xmpre susuportahan nya Yung anak nya sa kanyang Asawa....”
“Mas maganda pala ilong ni Jimuel.”
“Kelangan pba my ganon tanong/caption? Un wala nmn issue gagawan ng issue?”
Samantala, wala namang inilalabas na pahayag o reaksyon sina Manny, Jimuel, at Eman patungkol dito.
MAKI-BALITA: 'Mana sa ama!' Anak ni Manny Pacquiao, wagi sa Thrilla in Manila 2
MAKI-BALITA: BALITAnaw: Tagumpay at Tibay! Mga nanaluktok na Pinoy athletes, ganap sa PH Sports nitong 2025