January 26, 2026

Home BALITA

Iba't ibang grupo, kumpirmadong magkakasa ng 'anti-corruption rally' sa Feb. 25

Iba't ibang grupo, kumpirmadong magkakasa ng 'anti-corruption rally' sa Feb. 25
Photo courtesy: Manila Bulletin file photo

Kinumpirma ng iba’t ibang grupo ang malawakang kilos-protestang ikakasa nila sa ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution I sa Pebrero 25, 2026.

Sinabi ni Mong Palatino, secretary general ng Bagong Alyansang Makabayan at organizer ng Baha sa Luneta rally, na nagpaplano ang grupo ng isang demonstrasyon na isasabay anibersaryo ng EDSA People Power I.

Ipinahayag ni Palatino ang pagkadismaya sa umano’y kabiguang papanagutin ang mga matataas na opisyal ng pamahalaan na sangkot sa korapsyon.

Dagdag pa niya, halos tapos na ang trabaho ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ngunit ayon sa mga ulat ay hindi umano nito naimbestigahan ang alegadong pagdadala ng kickbacks patungong Malacañang.

Trillanes, nagpasalamat kay Ogie Diaz matapos supalpalin si Belgica

Pinuna rin ng aktibista ang pambansang budget ngayong taon, na aniya’y patuloy pa ring gumagana sa ilalim ng isang “pork barrel” system.

Samantala,  a hiwalay na pahayag, inihayag ng Kilusang Bayan Kontra Kurakot na isang anti-corruption rally din ang ikakasa nila sa Pebrero 25. Layunin nilang muling kalampagin ang kasalukuyang administrasyon dahil hanggang ngayon ay wala pa ring daw matataas na opisyal mula sa pamahalaan ang napapanagot sa maanoamlyang flood control projects.