January 25, 2026

Home BALITA Politics

Hanash ni House Speaker Dy sa impeachment kay PBBM: ‘Wala tayong nakikitang batayan!'

Hanash ni House Speaker Dy sa impeachment kay PBBM: ‘Wala tayong nakikitang batayan!'
Photo courtesy: Manila Bulletin file photo

Nagkomento si House Speaker Faustino “Bojie” Dy hinggil sa kauna-unahang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. 

Ayon kay Dy, wala raw siyang nakikitang sapat na batayan upang patawan ng impeachment si PBBM dahil ang lahat umano ng ginagawa ng Pangulo ay naaayon sa batas.

KAUGNAY NA BALITA:   Solon, naghain ng impeachment complaint vs PBBM sa Kamara!

“Wala tayong nakikitang batayan sa magbibigay-katwiran sa isinampang impeachment complaint laban kay Pangulong “Bongbong” R. Marcos Jr. Malinaw na ginagampanan ng ating Presidente ang mandatong ipinagkatiwala sa kaniya ng taumbayan, alinsunod sa batas,” anang House Speaker.

Politics

Torre kinarga ang 'sexy misis,' hinikayat tumakbo sa 2028

Pahayag pa ni Dy, hindi raw dapat ginagamit sa pamumulitika ang konsepto ng impeachment dahil ito ay hindi birong usapin.

“Hindi po biro ang usapin ng impeachment,” saad ni Dy.

Dagdag pa niya, “Hindi ito dapat ginagamit sa pamumulitika at maging sanhi ng pagkakawatak-watak.”

Samantala, matatandaang nauna na ring nagkomento si House Committee On Good Government and Public Accountability Rep. Joel Chua na sisiguraduhin ng Kamara ang masusing pagtalakay sa naturang impeachment case laban sa Pangulo.

“The complaint will be received, evaluated for sufficiency in form and substance, and processed in accordance with established procedures,” saad ni Chua.

Dagdag pa niya, wala raw silang magiging shortcuts at prejudgment sa paghawak nila ng impeachment case laban kay PBBM.

"There will be no shortcuts at prejudgement," giit pa ni Chua.

KAUGNAY NA BALITA: 'There will be no shortcuts!' Rep. Chua, siniguro pagbalanse sa impeachment complaint kay PBBM