January 25, 2026

Home BALITA National

Disaster preparedness training, kasado na para sa mga pampublikong paaralan

Disaster preparedness training,  kasado na para sa mga pampublikong paaralan
Photo courtesy: DepEd Disaster Risk Reduction and Management Service (FB)

Lumagda ng Memorandum of Understanding (MOU) ang Department of Education (DepEd) at University of the Philippines (UP)-Diliman, Quezon City, kamakailan para ilunsad ang disaster preparedness training at science-based tools ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) coordinators, mga guro, at mag-aaral sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa. 

Ayon sa pahayag ng DepEd nitong Lunes, Enero 19, ang relaunched Fundamentals of Resilience Massive Open Online Courses (MOOCs) ng UP Resilience Institute (UPRI) at UP Open University ay libre at online. 

Tatakbo ang training simula Enero 26 hanggang Pebrero 20, kung saan saklaw nito ang basics ng resilience, hazard, at risk assessment. 

Sa ilalim rin ng nasabing kasunduan, magbibigay ang UP ng technical at scientific expertise para suportahan ang disaster risk reduction, climate change adaptation at mitigation, at emergency response efforts ng DepEd sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa. 

National

Sen. Estrada sa ₱800 wage hike ng mga kasambahay: 'A great help'

Saad pa ng DepEd, layunin ng nasabing partnership na tugunan ang kakulangan ng mga paaralan sa kaalaman sa localized hazard data, localized hazard data, training, at maayos na emergency protocols, na naglalagay sa mga guro at mag-aaral sa kapahamakan tuwing may mga sakuna tulad ng baha at lindo. 

Sa inisyatibang ito, layon din ng DepEd na tiyakin ang kahandaan ng mga paaralan sa mga sakuna upang mabawasan ang pagkaantala sa pagkatuto ng mga mag-aaral. 

“Hindi dapat napuputol ang pagkatuto dahil lang sa kakulangan ng paghahanda. Sa tulong ng UP, through its research and public service mandate, masisiguro nating handa ang ating mga guro at mag-aaral—may tamang kaalaman, datos, at sistema para manatiling ligtas at makabangon agad kapag may sakuna,” saad ni DepEd Sec. Sonny Angara sa pahayag. 

Sa pamamagitan din ng partnership na ito, tutulong ang UPRI sa pagsasagawa ng DepEd ng multi-hazard risk assessments, pagbuo ng localized hazard maps, integration ng disaster risk reduction, at climate adaptation modules sa learning platforms, at pagdisenyo ng digital hazard risk platform at monitoring systems. 

Sean Antonio/BALITA