January 19, 2026

Home SHOWBIZ

Awra Briguela, prime era ang 2016

Awra Briguela, prime era ang 2016
Photo Courtesy: Awra Briguela (IG)

Maging si TV at social media personality Awra Briguela ay sumabay sa  nauusong “2026 is the new 2016” sa social media.

Maki-Balita: ALAMIN: Ano ang nauusong ‘2026 is the new 2016’ trend sa social media?

Sa isang Instagram post ni Awra kamakailan, ibinahagi niya ang serye ng mga larawan niya na kuha noong 2016.

“2016 ba kamo? ay dzai prime era nya yan. ” saad ni Awra sa caption.

Matalino lang sa papel? DJ Chacha, nagpahaging sa dunung-dunungan

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"May Nanalo na! "

"You’ve come a long way ‍"

That demin chocker ako gumawa nyan guysssss grabee sobrang tagal na pala non "

"Grabe prime mo nga yan"

"HAHAH YOU WON"

"Ikaw na talaga "

"You were a baby!!!"

"sayong sayo yung 2016 "

"yung pic with lizquen andyan pa, yung lizquen... wala na"

"YOU OWN THIS TREND!!!!!!!"

"Parang kelan lang yan. Bilis mo lumaki. At napakarami pang blessing na darating sa buhay mo "

"iconicccc"

Samantala, sa isang hiwalay na post, ibinida naman ni Awra ang kaniyang “iconic runway” sa Market Market! sa parehong taon. 

Aniya, “They thought I was just a normal kid who would walk like the other kids… but she was EXTRA and has always been a DIVA, ICON, and LEGEND. ”

Matatandaang napukaw ni Awra ang atensyon ng publiko dahil sa mga video niya noon ng panggagaya sa dialogue ng mga artista sa pelikula. 

Hanggang sa gumanap siya bilang “MakMak” sa “FPJ’s Ang Probinsiyano” at mapabilang sa “Your Face Sounds Familiar.”