January 25, 2026

Home FEATURES Human-Interest

ALAMIN: Puwede bang source ang porn para dagdagan ang kaalaman sa bembangan?

ALAMIN: Puwede bang source ang porn para dagdagan ang kaalaman sa bembangan?
Photo Courtesy: Freepik

Usap-usapan si Kapuso actress Arra San Agustin matapos magbigay ng kaniyang pananaw hinggil sa mga lalaking nanonood ng malalaswang video kahit may partner na.

Sa latest episode ng vodcast na “Your Honor” noong Sabado, Enero 17, sinabi ni Arra na hindi pa rin daw talaga niya maunawaan kung bakit ginagawa ito ng mga lalaki.

Aniya, “Actually ako, hindi ko pa rin alam kung maba-bother ba ako about porn. Kunwari like ‘yong partner ko, ‘di ko pa rin gets, e.”

“Parang feel ko, may something in me na probably iniisip mo ibang tao. As a girl, parang hindi ko siya ma-accept,” dugtong pa ni Ara.

Human-Interest

ALAMIN: Mga dapat malaman tungkol sa Autism Spectrum Disorder

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon ang ulat ng Balita mula sa mga netizen, partikular sa mga lalaki. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Many reasons Ara, one is pampadagdag ka alaman, my mattunan pra gawin sa partner,, at pampa init din sa mag partner pag sabay nanuod ang mag partners, at pra mag enjoy ang mag partner doing s x, the joy of s x with partner is good,"

"Partner ko hinahayaan ko manuod,kc nanunuod din naman ako minsan sabay pa manuodGanon lang ka simple."

"Educational. Ginagaya namin ni mister hahahahaha"

"Hindi kasi lahat Alam nyo.. Kaya Mas OK di Yung ganyan.. For additional knowledge e ka nga.. Wala namang masama Jan.. "

"Kumukuha ng new tricks"

"Para matuto po sa mga bawat posisyon"

"Siyempre, ang porn ay tutorials ng mga bagong moves and positions."

Ngunit ang tanong, maaari nga bang pagkunan ang porn ng karagdagang kaalaman pagdating sa pakikipagtalik?

Sa isang artikulo ni Jessica Miller noong Nobyembre 2025 sa website na AddictionHelp.com, isa-isa niyang inilatag ang mga epekto sa tao ng panonood ng malalaswang video.

Kabilang umano sa mga pwedeng mapinsala nito ay ang relasyon ng dalawang indibidwal. Lumilikha kasi ang porn ng mga hindi makatotohanang pamantayan o expectation sa pakikipagtalik, dahilan para hindi masiyahan ang isang tao sa ginagawa ng partner niya.

Bukod dito, maaari din umanong mawala ang emotional closeness ng isa’t isa. Sa halip kasing mas tumutok sila sa pagbuo ng connection at intimacy, nababaling ito sa sobrang pagkonsumo ng porn.

Samantala ayon naman sa psychiatrist na si Dr. Mariano Gagui sa ulat ng 24 Oras noong 2018, bagama’t hindi pa umano maituturing na sakit sa isip batay sa diagnosticat statistical manual ng mental disorders, maikokonsidera pa ring personality disorder ang lubhang pagkahumaling sa malalaswang video.

"Sa obserbasyon, usually, ang nagtutulak diyan ay loneliness, mag-isa ka, depression. 'Yan very common ‘yan. Sabi nila, hindi rin natin maiaalis, ‘yong paggamit ng bawal na gamot, drugs," saad ni Dr. Gagui.

Kaya naman inirerekomenda ang paglapit sa mga health professional para mapayuhan at mabigyan ng tamang gabay kung paano mapuputol ang adiksyon sa panonood nito.