Humina na bilang tropical depression ang Bagyong "Ada," ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), Lunes, Enero 19.
Sa 5:00 AM bulletin ng PAGASA, mula severe tropical storm ay humina bilang tropical depression si 'Ada.'
Huli itong namataan sa layong 380 kilometro Silangan ng Casiguran, Aurora. May taglay na lamang itong hangin na 55 kilometers per hour (kph), at pagbugsong 70 kph.
Kumikilos ito pa Hilaga Hilagang Silangan sa bilis na 10 kph.
Inalis na rin ang tropical cyclone wind signal sa bansa.
Samantala, hindi na inaasahang lalabas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo dahil magiging low pressure area (LPA) na lamang ito habang nasa loob ng PAR, dagdag ng PAGASA.