January 24, 2026

Home BALITA Probinsya

Tigasing mister na nambugbog, nanaksak sa misis, natagpuang nagtatago sa balon

Tigasing mister na nambugbog, nanaksak sa misis, natagpuang nagtatago sa balon
Photo courtesy: Contributed photo

Nauwi sa brutal na pagpatay ang away ng mag-asawa sa San Jose, Batangas kung saan nasawi ang misis matapos siyang bugbugin at pagsasaksakin ng kaniyang mister.

Ayon sa mga ulat, batay sa CCTV footage na hawak na ng pulisya, mapapanood ang huling sandali ng biktima bago siya matumba sa harapan ng kanilang bahay.

Batay sa naturang video, sinubukan pang lumabas ng duguang biktima mula sa kanilang bahay, ngunit hinabol ito ng suspek at saka hinablot muli papasok sa loob ng kanilang bahay.

Ayon sa imbestigasyon ng mga awtoridad, binugbog muna ng suspek ang sariling misis at saka niya ito pinagsasaksak. Ang motibo ng krimen—matinding selos umano ng suspek.

Probinsya

Taxi driver na tinangkang molestiyahin pasahero niya sa Davao City, tinutugis na!

Samantala, nasakote naman ng mga awtoridad ang suspek na sinubukan pang magtago sa loob ng isang balon. Ayon sa pulisya, kinailangan nilang gumamit ng isang thermal drone upang matukoy ang eksaktong lokasyon ng suspek.

Kaugnay nito, isinailalim sa hospital arrest ang suspek matapos siyang maiahon mula sa balon dahil sa lubos na panghihina umano nito. Napag-alamang diabetic ang suspek at bigla raw itong nag-seizure nang maaresto ng mga awtoridad.

Nagpapagaling na sa ospital ang suspek na nahaharap sa kasong parricide.