January 24, 2026

Home SHOWBIZ Teleserye

Rosanna Roces sa experience niya sa Batang Quiapo: 'Sobrang napakasarap!'

Rosanna Roces sa experience niya sa Batang Quiapo: 'Sobrang napakasarap!'
Photo Courtesy: CCM Film Productions (FB), Screenshot from ABS-CBN Entertainment (YT)

Ibinahagi ni dating sexy actress Rosanna Rocess ang karanasan niya sa “FPJ’s Batang Quiapo” matapos tuluyang mamaalam ang karakter niya ritong si Divina.

Sa isang Facebook post ng CCM Film Productions kamakailan, mapapanood ang buong exit interview kay Rosanna.

Aniya, “Sa experience ko rito [sa 'Batang Quiapo], sobrang napakasarap. Sobrang ang dami kong narating na magagandang lugar. Mga lugar na hindi ko akalaing mapapag-taping-an,” saad ni Rosanna.

“Pinakapaborito ko 'yong sa ibabaw ng tulay, sa Binondo bridge. Kasi nakakamangha na puwede palang ipasara 'yong gano'ng lugar para lang pag-taping-an,” dugtong pa ni Rosanna.

Teleserye

Higop King Supremacy! Leading ladies na 'hinigop' ni Joshua Garcia sa teleserye

Bukod dito, ibinahagi rin niya ang tatlong bagay na kaniyang natutuhan sa karakter niyang si Divina. 

“Una 'yong greed. Matuto ka dapat makuntento. Hindi 'yong pati pag-aari ng iba e pag-iinteresan mo na. [...] 'Yong greed talaga, ikakapahamak mo 'yan,” saad ni Rosanna.

“Pangalawa,” pagpapatuloy niya, “hindi lahat ng giyera papasukan mo, Hindi ka ipapanalo ng katapangan. Minsan ipapanalo ka ng katalinuhan. At kasama sa katalinuhang 'yon 'yong pagtalikod, lalo na kung giyera ng iba 'yan.”

Dagdag pa ng aktres, “'Yong pangatlo naman, siyempre kung nabuhay ka sa masama, sa masama ka rin magtatapos.”

Matatandaang pumanaw si Divina sa loob ng sasakyan matapos siyang atakehin ni Tanggol, played by Coco Martin, sa pamamagitan ng excavator.