January 24, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Robi Domingo, naurirat sa naging 'heated encounter' nila ni John Lloyd Cruz

Robi Domingo, naurirat sa naging 'heated encounter' nila ni John Lloyd Cruz
Photo courtesy: Robi Domingo, John Lloyd Cruz (IG)

Natanong na ang Kapamilya TV host na si Robi Domingo tungkol sa pinag-usapang pagkakainitan daw nila ng award-winning actor na si John Lloyd Cruz, sa after-party ng kasal nina Zanjoe Marudo at Ria Atayde.

Matatandaang naitsika sa entertainment vlog na "Ogie Diaz Showbiz Update" ang tungkol sa girian sa pagitan nina Robi at John Lloyd, na nag-ugat daw sa hirit na biro ni Robi habang nagho-host.

Si Robi ang kinuhang host sa reception ng kasal nina Zanjoe at Ria. Isa naman sa mga dumalong guest si Lloydie.

"So, habang nagho-host si Robi nasambit niya kay Ria sa microphone, ‘How does it feel to be Mrs. Marudo?’ and si Zanjoe naman, ‘How does it feel to be Mr. Atayde?’ Siyempre, magkakaibigan sila. Tawanan. Wala namang napikon,” tiska ni Ogie.

Tsika at Intriga

'Di nila gets ang pressure!' Mikee Quintos, inungkat 'pabigat' issue sa group work noong college

Ngunit pagbaba umano ni Robi sa stage at nagpunta sa bar area, doon na raw sila nagpang-abot ni John Lloyd.

Kinompronta umano siya nito dahil sa sinabi kina Ria at Zanjoe na nakapukaw sa atensyon ng mga bisita.

“Biglang napalakas ‘yong boses ni John Lloyd. Kaya nakapukaw ng atensyon ng ibang bisita. Sabi raw ni John Lloyd, ‘Mali ‘yong sinasabi mo, ha. Napaka-inappropriate ‘yong sinabi mo. Okay lang ba sa ‘yo na tawaging Mr. Atayde?’” lahad ni Ogie.

Dagdag pa niya, “Sabi ni Robi daw, ‘May isyu ba tayo? Bakit? Anong gusto mong mangyari?’ Pasugod daw si John Lloyd.”

Dahil dito, napatigil umano ang mga nagsidalong bisita. Sumentro ang atensyon nila sa nabubuong kaguluhan sa pagitan ng dalawa. Pero agad naman umanong lumapit ang Kapamilya actor na si Donny Pangilinan upang pahupain ang namumuong tensyon.

Sa phone interview naman ng Philippine Entertainment Portal (PEP) kay Robi kamakailan, hindi raw direktang inamin o nag-deny ang Kapamilya host sa nangyari.

"My stand is as long as Rea and Zanjoe are okay, then I'm okay. 'Yon ang pinakamahalaga," saad daw ni Robi sa panayam sa kaniya ng PEP.

The Atayde family is okay, the Marudo family is okay, for me there's nothing to worry about," tanging sagot pa ni Robi.

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag si John Lloyd tungkol sa isyu.

Kaugnay na Balita: John Lloyd Cruz, kinompronta si Robi Domingo; muntik magkasuntukan?

Bukod dito, isa pa sa mga usap-usapan patungkol sa kaniya, ay intrigang nag-unfollowan sila sa Instagram ng girlfriend na si Isabel Santos.

Kaugnay na Balita: John Lloyd Cruz, Isabel Santos nag-unfollow sa isa't isa; minamalisyang hiwalay na!

Dahil dito, espekulasyon ng mga netizen na mukhang nagkaroon ng problema sa relasyon nilang dalawa, bagay na silang dalawa lamang ang may karapatang magkumpirma kung totoo ba o hindi.