Hindi napigilang magmura ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Vince Dizon matapos direktang maranasan ang pagyanig sa Mauca Bridge sa Camerines Sur.
Sa latest Facebook post ng DPWH nitong Linggo, Enero 18, mapapanood ang serye ng mga video ng pag-iinspeksyon nila sa bahaging ito ng lugar.
"P*tang ina, delikado 'to. [...] This is dangerous," saad ni Dizon matapos dumaan ang isang truck sa nasabing tulay.
Samantala, agad naman daw ipinag-utos ng kalihim ang pagtatasa at pagsasaayos ng tulay dahil sa posibleng panganib na idulot nito sa mga residente at motoristang dumadaan.
Matatandaang nagsagawa ng road trip ang ahensya para magsagawa ng inspeksyon sa mga pangunahing kalsada sa probinsiya ng Quezon at maging sa rehiyon ng Bicol.
Matapos ito, ipinag-utos ni Dizon na isuspinde ang ginagawang rehabilitasyon sa bahagi ng Maharlika Highway na saklaw ng probinsiya ng Quezon Camarines Sur.
Ito ay para makapaghanda umano ng higit na epektibo at komprehensibong plano para sa nasabing kalsada.