January 20, 2026

Home BALITA National

Karagdagang ‘special non-working days,’ idineklara ng Malacañang

Karagdagang ‘special non-working days,’ idineklara ng Malacañang
Photo courtesy: MB

Inilabas ng Malacañang ang proklamasyon ng mga karagdagang special non-working days sa ilang lugar sa bansa sa layong mapagdiwang ng mga residente rito ang kanilang mga lokal na selebrasyon. 

Base sa anunsyo ng palasyo nitong Linggo, Enero 18, narito ang mga nasabing proklamasyon at lugar ng bagong special non-working days:

Proclamation No. 1129 - Pebrero 10 (Bacolor, Pampanga, Bacolor Day) 

Proclamation No. 1130 - Pebrero 21 (Marinduque, Araw ng Marinduque) 

National

PBBM, kumpiyansa dahil wala umano siyang 'impeachable offense'

Proclamation No. 1131 - Enero 22 (Guiginto, Bulacan, Halamanan Festival)

Proclamation No. 1132 - Pebrero 17 (Kabalasan, Zamboanga Sibugay, Araw ng Kabasalan) 

Proclamation No. 1133 at 1134 - Enero 15 at Mayo 7 (San Pablo City, Laguna, Coconut Festival at Charter Anniversary)

Proclamation No. 1135 at 1139 - Pebrero 2 (Katipunan, Zamboanga Del Norte, 112th Araw ng Katipunan; Mabalacat City, Pampanga, 314th Founding Anniversary)

Proclamation No. 1137 - Pebrero 11 (Candoni, Negros Occidental, Dinagyaw sa Tablas Festival)

Proclamation No. 1138 - Pebrero 3 (Nueva Ecija, 76th Founding Anniversary)

Matatandaang may mga pinirmahan na ring “special non-working days” para sa buwan ng Enero si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong Disyembre 2025. 

MAKI-BALITA: Karagdagang ‘special non-working holidays’ sa Enero 2026, ibinaba ni PBBM

Sean Antonio/BALITA