January 24, 2026

Home SHOWBIZ

Chito Miranda kay Yael Yuzon: 'Weird at annoying pero sobrang bait!'

Chito Miranda kay Yael Yuzon: 'Weird at annoying pero sobrang bait!'
Photo Courtesy: Chito Miranda (FB)

Nagbigay ng impresyon si Parokya ni Edgar main vocalist Chito Miranda kay Spongecola main vocalist Yael Yuzon matapos nilang magsama sa concert na ginanap sa Cebu kamakailan.

Sa latest Facebook post ni Chito noong Sabado, Enero 17, sinabi niya na bagama’t weird at annoying, mabait umano si Yael.

Ito ay matapos niyang pasalamatan ang pagtanggap ng mga Cebuano kahit hindi niya naisagad ng 100% ang kaniyang performance.

“Salamat din kay Yale ng Sponge. Palagi ko silang inaasar pero sa totoo, isa si Yale sa mga pinaka-kaibigan ko sa eksena. He's weird at annoying (ganun din naman yata ako eh) pero sobrang bait nya,” saad ni Chito.

Tsika at Intriga

Sen. Win Gatchalian, pasimpleng kinumpirma hiwalayan nila ni Bianca Manalo?

Dagdag pa niya, “Alam nya na may sakit ako, so ang gjnawa nya, nagdala sya ng Berocca at gamot sa room ko pagbalik namin sa hotel. He then proceeded to explain kung bakit effective ang Berocca. Ganun sya ka-bait (at ka-weird).”

Bukod dito, ikinuwento rin ng Parokya ni Edgar main vocalist noong minsan siyang malasing nang todo at hinatid siya ni Yael pauwi.

Aniya, “Iiniwan nalang namin yung kotse ko sa parking kung san kami uminom...tapos binalikan namin the next day.”

“Nung sya naman yung nalasing, hinatid ko sya pa-uwi. Suka sya ng suka sa kotse...pero ok lang kasi kotse naman nya yung dala namin eh,” dugtong pa ni Chito.

Ginanap ang nasabing concert sa SM Seaside Concert Ground. Libre ito at bukas sa publiko. Nakasama ng dalawang OPM band ang iba pang singers tulad nina Rob Deniel at Earl Agustin.