January 24, 2026

Home FEATURES Kahayupan (Pets)

#BalitaExclusives: Joseph Marco, hinangaan dahil sa pagpapakain ng stray cat

#BalitaExclusives: Joseph Marco, hinangaan dahil sa pagpapakain ng stray cat
Photo courtesy: Alshan Eihrin/FB

Sinaluduhan, lalong hinangaan, at lalong naging guwapo't simpatiko sa paningin ng mga netizen ang aktor na si Joseph Marco matapos siyang maispatang nagpapakain ng homeless cat, sa labas ng isang fitness gym sa may bandang Rotonda Square, Jose De Venecia St exit, Dagupan, Pangasinan.

Ibinahagi ng isang babaeng netizen na si "Alshan Eihrin" ang mga kuhang larawan kay Joseph habang nagpapakain ng stray cat, gayundin ang selfie nilang dalawa.

Makikita ang mga larawan sa isang group page para sa cat lovers.

"What a humble person,, JOSEPH MARCO nakita ko xa pagbaba ko ng hagdan pinapakain nya ang homeless cat..godbless sau SOBRANG GWAPO NA, MABAIT PA," mababasa sa post.

Kahayupan (Pets)

Mala-Hachiko: Loyal dog, araw-araw naghihintay sa fur parent na patay na pala!

Photo courtesy: Screenshots from Alshan Eihrin via CAT LOVERS PHILIPPINES/FB

Bumaha naman ng komento sa comment section na nagsasabing matagal na talagang ginagawa ni Joseph ang magpakain ng stray cats, at bukod dito, nag-aampon din siya at inaalagaan sila.

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Alshan, sinabi niyang labis siyang humanga sa kabaitan at kababaang-loob ni Joseph sa mga pusa.

Nangyari daw iyon bandang 11:00 ng gabi, Sabado, Enero 17.

Mensahe niya para kay Joseph, "Ipagpatuloy lang po niya ang pagiging mabuting tao at matulungin sa mga strays cat, o sa iba pang animals na need ng help."

"Salamat din sa time na binigay niya sa akin para makapagpa-pic kaming dalawa," aniya.

JOSEPH MARCO BILANG CAT LOVER

Talagang noon pa man, hayagan nang sinasabi at ibinabahagi ni Joseph sa social media ang pagmamahal niya sa mga hayop, lalo na sa mga pusa.

Marso 2023, ibinahagi ng hunk actor ang ilang updates sa sugatang pusang naispatan at sinagip sa isang kalsada sa Makati City.

Ayon sa TikTok ni Joseph, naawa siya sa pusa dahil sugatan ito. Hindi na siya nagdalawang-isip na ampunin ito, dalhin sa veterinary clinic, at iuwi sa bahay.

Pinangalanan niya itong "Maxik."

“Animals have no voice. They can’t ask for help. They can’t ask for freedom. Humanity must be their voice. Maxik tells us everyone deserves a chance,” aniya sa Instagram post.

Sa IG ay makikitang ibang-iba na ang hitsura ni Maxik mula sa day 1 na nakita niya ito sa kalye.

Good job naman si Joseph sa netizens lalo na sa mga humahanga sa kaniya. Biglang-bigla, marami ang biglang nagnais na "maging pusa" at magpaalaga rin kay Joseph.

Kaugnay na Balita: Joseph Marco, sumagip ng pusa; netizens, gusto na ring magpaalaga

Bandang Hulyo 2023, ibinahagi naman ni Joseph ang pagsagip sa isang may sakit na pusa, na nagngangalang "Sylvester."

“I would always play with this cat everytime I visit my resto. But I got alarmed… he lost so much weight,” kuwento ni Joseph.

“He has colds and been squeezing a lot. So I decided to bring him to the vet,” dagdag niya.

Makikita naman sa video ang pagkarga ni Joseph sa pusa gamit ang pang-alalay na maliit na kahon para idala sa kaniyang sasakyan at magtungo sa beterinaryo.

“He was pretty confused. I guess he has never been inside a car. I named him Sylvester. It’s his first time going to the vet. Hope he recovers soon. Prayers for Sylvester,” saad pa ng aktor.

Kaugnay na Balita: Joseph Marco, umani ng papuri matapos sagipin ang may sakit na pusa

Sa Instagram post ni Joseph noong Hulyo 25, 2025, ibinahagi niya ang video clip kung saan tampok ang bagong pusang inampon niya.

“I wasn’t planning on adopting any more. My hands are already full. But yesterday, on my way home in the rain, I saw this tiny kitten, lost and all alone,” saad ni Joseph.

Dagdag pa niya, “[I]n that moment, I knew. When fate places a little soul in your path like that, you don’t turn away. So here we are. Welcome home, little angel. I’m so glad you found me.”

Sabi pa ni Joseph, may sampung pusa na raw siyang inaalagaan sa bahay niya, noong 2025, at puwedeng counting pa ito ngayong 2026.

Kaugnay na Balita: Pagkupkop ni Joseph Marco sa pusa, bumihag sa puso; netizens, bet maging kuting