January 22, 2026

Home BALITA

Bagyong ‘Ada’ papalayo na sa Catanduanes

Bagyong ‘Ada’ papalayo na sa Catanduanes
DOST-PAGASA

Unti-unti nang kumikilos papalayo sa probinsya ng Catanduanes ang bagyong Ada, base sa 11:00 AM tropical cyclone bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Linggo, Enero 18. 

Huling namataan ang sentro nito sa layong 140 km northeast ng Virac, Catanduanes. 

Taglay nito ang lakas na 75 km/h malapit sa sentro at malapit sa pagbugso ng hangin na 90 km/h.

Ayon pa sa PAGASA, bagama’t offshore na ang malalakas na pag-ulan bunsod ng bagyong Ada, maaari pa rin makaranas ng kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat, at pagkulog sa Southern Luzon hanggang ngayong araw ng Enero 17. 

Metro

Sec. Dizon, tiniyak maiibsan lagpas-taong baha sa Araneta, QC bago ang tag-ulan

Samantala, nakataas ang wind signal no. 2 at 1 sa ilang lugar sa bansa. 

WIND SIGNAL NO. 2

Catanduanes 

Eastern Camarines Sur (Caramoan)

WIND SIGNAL NO. 1

Southern Quezon at Polillo Islands

Camarines Norte

Rest of Camarines Sur

Albay

Sorsogon

Ticao and Burias IslandsNorthern Samar

Sean Antonio/BALITA