January 26, 2026

Home BALITA

Bagyong Ada, bahagyang humina; wind signal no.1, nakataas pa rin sa Catanduanes at Camarines Sur

Bagyong Ada, bahagyang humina; wind signal no.1, nakataas pa rin sa Catanduanes at Camarines Sur
DOST-PAGASA

Bahagyang humina ang bagyong Ada habang papalayo nitong binabaybay ang katubigan ng Catanduanes, ayon sa 5:00 PM tropical cyclone bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Linggo, Enero 18.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 205 km northeast ng Virac, Catanduanes. 

Taglay nito ang lakas ng hangin na 65 km/h malapit sa sentro at pagbugso na aabot sa 80 km/h.

Ayon din sa PAGASA, bagama’t may mga posibilidad pa rin ng mga pag-ulan at bugso ng malalakas na hangin ngayong gabi ng Enero 18,  partikular sa ilang lugar sa silangang bahagi ng Bicol region, malaki ang posibilidad ng pagbabago sa panahon pagdating ng Lunes, Enero 19.

National

Ogie Diaz, pinalagan sinabi ni Greco Belgica na hayaan mga 'tunay na lalaki' sa gobyerno

Inaasahan din ang pagbaba ng bagyong Ada sa tropical depression pagdating ng Martes, Enero 20, at dahil sa patuloy na pag-ihip ng hanging Amihan, posible na maging low pressure area (LPA) na lamang ito pagdating ng Miyerkules, Enero 21. 

Sa kasalukuyan, nakataas pa rin ang wind signal no. 1 sa Catanduanes at northeastern portion ng Camarines Sur. 

Sean Antonio/BALITA