Nagbigay ng pananaw si Kapuso actress Arra San Agustin tungkol sa mga lalaking nanonood pa rin ng malalaswang video kahit may mga karelasyon na.
Sa latest episode ng vodcast na “Your Honor” noong Sabado, Enero 17, sinabi ni Arra na hindi pa rin daw talaga niya maunawaan kung bakit ginagawa ito ng mga lalaki.
Aniya, “Actually ako, hindi ko pa rin alam kung maba-bother ba ako about porn. Kunwari like ‘yong partner ko, ‘di ko pa rin gets, e.”
“Parang feel ko, may something in me na probably iniisip mo ibang tao. As a girl, parang hindi ko siya ma-accept,” dugtong pa ni Ara.
Samantala, sa pananaw naman ni Kapuso actor Mikoy Morales, hindi lang naman umano libog ang pagbabate habang nanonood ng porn.
“Sa amin, ‘yong porn at pagma-masturbate…mayro’n pa ring times. Like, ‘pag naghahanap ako ng release, hindi lang siya libog ha. May scientific [explanation] siya,” saad ni Mikoy.
Ayon sa isang artikulo ng Men’s Health, natuklasan umano sa isang pag-aaral noong 2004 na ang mga lalaki raw na nagbabate ng 21 beses kada buwan ay bumababa ang posibilidad na magkaroon ng prostate cancer kumpara sa mga bihirang gawin ito.
Ngunit gaya ng madalas na sinasabi, masama ang lahat ng sobra.