Maging ang mag-asawang sina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel ay nakaladkad sa blind item patungkol sa power couple na naghiwalay umano.
Sa latest episode ng “Showbiz Updates” noong Biyernes, Enero 16, pinabulaanan ni showbiz insider Ogie Diaz ang mga bali-balitang nagsasabing kinumpirma umano niya ang hiwalayan ng dalawa.
“Habang ang hinuhulaang power couple naman ng iba ay sina Zoren Legaspi at Carmina Villaroel. Ang nakakaloka pa dito, ako raw, si Mama Ogs daw ang nagsabi,” saad ni Ogie.
Dagdag pa niya, “Buti na lang hindi nagpapaniwala ang mga sangkot sa isyu. Dahil ang totoo, hindi naman totoong hiwalay at masayang-masaya sina Carmina at Zoren.”
Kaya naman alisin na raw ang dalawa sa listahan ng pinaghihinalaang power couple na naghiwalay.
Matatandaang nauna nang nadawit ang pangalan nina Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera sa naturang isyu, na agad din naman nilang pinabulaanan.
Maki-Balita: Sila ni Dingdong? Marian, nag-react sa blind item tungkol sa 'power couple' na maghihiwalay na
Gayundin sina Toni Gonzaga at Direk Paul Soriano na tila parehong unbothered.
Maki-Balita: 'Mga waste dapat pina-flush sa CR!' Toni Gonzaga, unbothered sa 'power couple' blind item