January 24, 2026

Home BALITA

TS 'Ada', posibleng maging severe tropical storm; wind signal no. 3, posible rin

TS 'Ada', posibleng maging severe tropical storm; wind signal no. 3, posible rin
DOST-PAGASA

Hindi inaalis ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang posibilidad na maging severe tropical storm ang tropical storm "Ada," at posiblidad na itaas ang tropical cyclone wind signal no. 3 sa ilang lugar sa bansa.

Sa 11:00 AM tropical cyclone bulletin nitong Sabado, Enero 17, huling namataan ang bagyo sa coastal waters na Baras, Catanduanes. 

Taglay nito ang lakas ng hangin na 85 kilometers per hour (kph) at pagbugsong 115 kph. Kumikilos ito pa-northwestward sa bilis na 25 kph. 

Ayon sa PAGASA, habang binabaybay ng bagyo ang karagatang silangan ng Luzon, may posibilidad na lumakas pa ito bilang severe tropical storm. 

National

Sen. Bato kung magpapakabato, samahan si FPRRD!—Trillanes

Samantala, nakataas ang wind signal no. 2 at 1 sa ilang lugar sa bansa.

WIND SIGNAL NO. 2
Eastern portion ng Camarines Norte
Eastern at central portion ng Camarines Sur
Catanduanes
Albay
Sorsogon
Northern Samar

WIND SIGNAL NO. 1
Eastern portion ng Quezon kabilang ang Polillo Islands
Marinduque
Eastern portion ng Romblon
Nalalabing bahagi ng Camarines Norte
Nalalabing bahagi ng Camarines Sur
Masbate
Eastern Samar
Samar
Biliran
Northern portion ng Leyte
Northern portion ng Cebu kabilang ang Bantayan Islands.