Naglabas ng sama ng loob sa publiko ang tinaguriang "Pambansang Lalaking Marites" na si Xian Gaza patungkol sa nanay ng aktres at dati umano niyang kaibigan na si Ella Cruz.
Ayon sa inupload na video ni Gaza sa kaniyang Facebook account nitong Sabado, Enero 17, kinuwento niya ang naging pagkakaibigan nila ni Ella noong 2016 kung saan sabay umano silang kumain sa iba’t ibang mga mall.
Dahil dito, inamin mismo ni Gaza na nahulog siya kay Ella ngunit tila siya lang daw pala ang may naramdamang espesyal sa pagitan nilang dalawa
Nagsimula daw ang hindi nila pagpapansinan ni Ella noong Disyembre 2016 nang pumunta pamilya nito sa South Korea para magdiwang ng Pasko at hindi na raw sila nagsama noong Enero 17.
Ani Gaza, tanggap daw niyang masabihan ng scammer dahil may history siya noon sa naturang krimen ngunit hindi niya lang daw matanggap na sabihin ng nanay ni Ella sa Twitter nito noon na stalker siya ng naturang artista.
“Ang hindi ko lang matanggap is nakisabay, nakisawsaw ‘yong nanay ni Ella during that time ‘yong peak na peak na trending ako,” saad niya.
Dagdag pa niya, “Trending na trending ako sa buong bansa. Hindi ko matanggap, itong nanay ni Ella, nag-post sa twitter na ako daw ay isang stalker ng kaniyang anak. What? Like after everything I’ve done, tatawagin mo akong stalker.”
Sobrang nasaktan daw noon si Gaza dahil pinaniwalaan din ng mga tao sa buong bansa ang isiniwalat ng nanay ni Ella sa social media.
“Sobra akong nasaktan kasi pinaniwalaan ‘yon ng buong bansa na stalker ako [kay Ella], na iniscam ko raw ‘yong pamilya nila kahit hindi naman talaga,” kuwento niya.
Tila naging ugat daw ang pangyayaring iyon na ginagawa sa kaniya ng nanay ni Ella upang pinilit siyang sumikat at magkapangalan sa industriya.
“From there, nagkaroon ako ng hatred o ng galit sa puso ko na pinangako ko [at] talagang sinumpa ko na one day, kailangang maging sikat ako na celebrity, kailangang pumutok ‘yong pangalan ko, kailangang magkaroon ako ng sarili kong big name in the industry,” ‘ika niya.
“Kasi na-realized ko na kapag pala artistta ka at mayroon kang sinabing hindi maganda sa isang tao, kahit hindi ito totoo, dahil artista ka o nanay ka ng isang artista, papaniwalaan ito ng lahat,” paglilinaw pa niya.
Ayon pa kay Gaza, si Ella raw ang naging dahilan ng mga narating niya ngayon habang ang nanay nito ang pinagmulan ng galit at paghihiganti niya.
“At ‘yon ang naging ugat kung bakit ako naging si Xian Gaza… Lahat ng ito, my name, Xian Gaza and all, pagiging pambansang marites, kung sinoman ‘yong pagkakakilala n’yo sa akin ngayon, ang reason behind this talaga ay si Ella Cruz,” pagbabahagi niya.
“‘Yong motivation, or hatred, or ‘yong revenge ay doon sa mother niya,” pahabol pa niya.
Matapos nito, giniit naman ni Gaza na wala raw siyang masasabi sa kabaitan at pagkakaroon ng busilak na puso ni Ella, mga kapatid, at tatay nito.
Samantala, wala pa namang inilalabas na pahayag sina Ella at nanay nito tungkol sa naging kuwento ni Gaza.
MAKI-BALITA: PBB Gen 11 Kolette, tinawanan post ni Xian Gaza tungkol sa BINI member