January 25, 2026

Home SHOWBIZ Blind Item

Sinetch itey? ‘Artistang may guaranteed contract, tanggi nang tanggi sa teleserye’—Ogie Diaz

Sinetch itey? ‘Artistang may guaranteed contract, tanggi nang tanggi sa teleserye’—Ogie Diaz
Photo courtesy: Ogie Diaz (IG), BALITA FILE PHOTO

Tila may pinasaringan ang showbiz insider na si Ogie Diaz tungkol sa isang artistang tanggi nang tanggi raw sa mga offer na teleserye. 

Ayon sa naging status ni Ogie sa kaniyang “X” account noong Biyernes, Enero 16, tila may direkta siyang pinaranggan tungkol sa tungkol sa isang indibidwal na mayroon daw guaranteed contract pero tanggi nang tanggi sa mga offer sa proyekto. 

“Kahit may guaranteed contract ka pa, kung tanggi ka naman nang tanggi sa ino-offer sa yong teleserye, di ka pa din mababayaran when it expires,” mababasa sa post ni Ogie. 

Screenshot mula sa post ni Ogie sa X.

Screenshot mula sa post ni Ogie sa X. 

Blind Item

Aktres, nagpalaglag ng anak matapos mabuntis ng kilalang tao

Pahabol pa niya, “Bubutasan ka lang ng management.” 

Dahil dito, hindi naman napigilan mapatanong ng ilang netizens tungkol sa kung sino ang pinatatamaan ng showbiz insider. 

Narito ang ilang komentong iniwan ng mga tao sa naturang post ni Ogie: “Liza yern! Daming inoffer na project like It'sOkayToNotBeOkay pero tinanggihan.” 

“Sinetch?” 

“True. Technical.” 

“Dati ang daming ganyan. yung mga ayaw malagay sa afternoon slot ung teleserye nila kaya umaayaw. atechona yarn?” 

“Enrique Gil” 

Samantala, wala naman kumpirmasyon mula kay Ogie kung may pinatutungkulan talaga siyang indibidwal at hindi niya rin sinabi pa sa publiko ang pagkakakilanlan nito. 

MAKI-BALITA: Kilalang guwapong aktor na heartthrob, 'di pa tuli?

MAKI-BALITA: Liza Soberano, sumagot sa bati ni Ogie Diaz; nagkaayos na nga ba?

Mc Vincent Mirabuna/Balita