Naglabas ng pahayag si Sen. Kiko Pangilinan kaugnay sa pagpapatupad ng dalawang linggong visa-free policy sa mga Chinese national simula noong Enero 16.
Sa X post ni Pangilinan nitong Sabado, Enero 17, sinabi niya na kailangan umanong tiyakin na hindi na maulit pa ang insidente ng nakaraan kung kailan naabuso ng mga Chinese syndicate ang visa free policies.
“While we welcome the entry of Chinese nationals to boost our local tourism industry, we must ensure we avoid a repeat of the past, wherein such visa-free policies were abused and exploited by organized Chinese crime syndicates in connivance with BID officials and employees,” saad ni Pangilian.
Dagdag pa niya, “In line with the government’s 14 day visa free policy for visiting Chinese nationals, the DFA together with the Bureau of Immigrations as well as the DoTr and our DND/National Security apparatus should beef up security and intelligence gathering measures to ensure that Chinese nationals with criminal records linked to illegal drugs, illegal gambling and human trafficking, smuggling and other organized, syndicated criminal activities are not allowed entry into our shores.”
Matatandaang batay umano sa mga opisyal na tala at testimonya sa mga Senate hearing noong 2020, tinatayang 4 na milyong Chinese nationals ang nakapasok sa Pilipinas mula 2017 hanggang 2020 na nakapagkasa ng mga ilegal na gawain sa loob ng bansa bunsod ng korupsiyon sa Immigration.
Kaya nanawagan ang senador na protektahan ang mga dalampasigan ng Pilipinas at ang mismong mga mamamayan nito mula sa mga sindikatong mula sa China na nagpapanggap na turista.