January 22, 2026

Home SHOWBIZ

'Rudy Baldwin, who?' Jake Ejercito nahulaan pagiging karton ni FPRRD

'Rudy Baldwin, who?' Jake Ejercito nahulaan pagiging karton ni FPRRD
Photo Courtesy: Jake Ejercito (FB)

Tila naungusan ng aktor na si Jake Ejercito ang fortune teller na si Rudy Baldwin pagdating sa panghuhula.

Sa isang Facebook post kasi ni Jake noong Biyernes, Enero 16, makikita ang serye ng throwback pictures niya noong 2016.

Bahagi ito ng nauusong “2026 is the new 2016” sa social media. At kabilang nga sa nasa paskil ni Jake ay ang dalawang larawan niya kung saan kasama niya ang kartong standee ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, na kandidato noon sa pagkapangulo.

Maki-Balita: ALAMIN: Ano ang nauusong ‘2026 is the new 2016’ trend sa social media?

Tsika at Intriga

'Bad!' Andrea Del Rosario, sad at dismayado sa 'young artistas' ngayon

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing larawan. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Nostradamus resign!!! Karton predicted!!!"

"rudy baldwin whooo? hahahahaha"

"Ay hindi pa long hair... Luma na ung karton..."

"karton parin hanggang ngayon"

"mesopotamian karton ni dogging huhu"

"Hahahahaha time traveler yung karton"

"umatras kaerbogan ko sau dhie, dhiedhiees ka pala "

"HAHAHAHAHAHAHA nawala antok q"

"Rudy baldwin'ed??? "

"Ang galing ni Jake!!! Na predict niya kung anong mangyayari sa 2026!!!"

Samantala, kinlaro naman ni Jake na hindi niya sinuportahan ang kandidatura ni Duterte noong 2016. 

“To clarify, I didn’t campaign or vote for FPRRD,” aniya.

Bilang patunay, nilatag niya sa comment section ang isang ulat kung saan mababasa na hindi niya pinanghinayangan ang pagboto kay dating Sen. Grace Poe na katunggali ni Duterte sa 2016 presidential elections.

Sa kasalukuyan, makalipas ang sampung taon simula nang ianunsiyo ni Duterte ang pagkandidato niya sa pagkapangulo, nakapiit na siya sa The Hague, Netherlands dahil sa kasong crimes against humanity na isinampa laban sa kaniya ng International Criminal Court (ICC).

At simula nang makulong ang dating pangulo, madalas nang kasa-kasama ng mga tagasuporta niya ang kaniyang kartong standee. Sa katunayan, maging si Sen. Robin Padilla ay nakipag-breakfast meeting dito.