January 24, 2026

Home BALITA Probinsya

Menor de edad, nasagip matapos tangayin ng alon sa Tacloban

Menor de edad, nasagip matapos tangayin ng alon sa Tacloban
Photo courtesy: Bureau of Fire Protection Region 8 (FB)

Nasagip ng Bureau of Fire Protection (BFP) - Region 8 ang isang menor de edad na inanod sa Palanog River, Tacloban City, sa kasagsagan ng pag-ulan bunsod ng bagyong Ada noong Biyernes, Enero 16. 

Base sa ulat ng BFP, nangyari ang insidente nang biglang tumaas ang lebel ng tubig sa ilog habang lumalangoy ang 9-anyos na batang babae kasama ang mga kaibigan niya. 

Natanggap daw ng mga awtoridad ang report bandang 11:45 AM, at pagdating ng 12:55 PM, matagumpay nilang na-asiste ang batang babae na makaahon at makatawid patungo sa tirahan nito. 

Kaya paalala ng BFP sa mga magulang na maiiging bantayan ang kanilang anak sa paglangoy sa tubig sa kasagsagan ng pag-ulan para maiwasan ang kaparehong insidente. 

Probinsya

Taxi driver na tinangkang molestiyahin pasahero niya sa Davao City, tinutugis na!

Sa 11:00 AM tropical cyclone bulletin nitong Sabado, Enero 17, huling namataan ang bagyo sa coastal waters na Baras, Catanduanes. 

Taglay nito ang lakas ng hangin na 85 kilometers per hour (kph) at pagbugsong 115 kph.

Sean Antonio/BALITA