January 25, 2026

Home SHOWBIZ

John Clifford, Fred Moser pinatalsik na sa Bahay ni Kuya!

John Clifford, Fred Moser pinatalsik na sa Bahay ni Kuya!
Photo Courtesy: Screenshots from ABS-CBN Entertainment (YT)

Lumabas na bilang housemates sina John Clifford at Fred Moser sa loob ng Bahay ni Kuya sa ikalimang eviction night.

Sa latest episode ng “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 2.0” nitong Sabado, Enero 17, lumabas sa resulta ng botohan na sina Clifford at Fred ang nakakuha ng pinakamababang porsiyento ng boto mula sa mga nominadong housemate.

Nakakuha si Clifford ng 24.17% habang 25.23% naman kay Fred. Samantala, nakaligtas naman sa eviction sina Heath Jornales, Ashley Sarmiento, Krystal Mejes, at Miguel Vergara.

Matapos makalabas sa loob ng Bahay, sinalubong ang dalawang evicteed housemate ng tanong.

Matapos ang kaniyang Miss Cosmo stint: Chelsea Fernandez, balik-Pinas na!

"Fred and Clifford, kung mayro'n kayong second chance na baguhin ang isang bagay sa inyong journey sa loob, ano 'yon? Would you change anything?" usisa ni PBB host Bianca Gonzalez.

"Feeling ko,” sagot ni Clifford, “I wouldn't change anything. Everything happened for a reason.”

Sabi naman ni Fred, “Same kay Clifford. Wala akong babaguhingi ba. Sobrang saya ko na talaga sa journey na 'to. At sobrang sulit.”

Samantala, nagawa namang makabalik kamakailan nina Marco Masa at Eliza Borromeo sa loob ng Bahay ni Kuya matapos manalo sa wildcard round. 

Matatandaang sina Marco at Eliza ang ikalawang evictee sa edisyong ito ng PBB: Celebrity Collab Edition.

Maki-Balita: Eliza, Marco out na sa Bahay ni Kuya!