Tila hindi nagpahuli sa trend si Mamamayang Liberal (ML) Partylist Rep. Leila De Lima at muli niyang binalikan ang ilan niyang mga larawan ng pagiging senador noong 2016.
Ayon sa Facebook post ni De Lima sa nitong Sabado, Enero 17, makikita ang mga larawan sa panahon ng kaniyang panunungkulan bilang senador isang dekada na ang nakalipas.
“2016 as Senator. Before my most unjust detention,” mababasa sa simula ng caption ng mambabatas.
Screenshot mula sa Facebook post ni De Lima.
KAUGNAY NA BALITA: Utos ng korte: Arestuhin si De Lima!
Pagpapatuloy ni De Lima, buong pagmamalaki niyang sinabing nakalaya na siya at nahalal bilang representative ng ML Partylist nitong 2026.
“2026 as ML Partylist Representative. Freed and vindicated,” aniya.
Dagdag pa niya, “Always grateful to our dear Lord for protecting and guiding me. Hindi Niya ako pinapabayaan. At sa inyo pong lahat na hindi nakalimot, nagtitiwala at sumusuporta, maraming salamat po!”
Ani De Lima, patuloy raw siyang maglilingkod at maninindigan para sa hustisya at reporma ng bansa.
“Hanggang sa mga susunod pang taon at dekada, patuloy tayong maglilingkod at maninindigan para sa hustisya at reporma,” pagtatapos pa niya.
MAKI-BALITA: De Lima, pinawalang-sala sa isa pang drug case
Mc Vincent Mirabuna/Balita