January 26, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Christian Antolin sumali sa '2016 trend,' flinex sina Vice Ganda at FPRRD

Christian Antolin sumali sa '2016 trend,' flinex sina Vice Ganda at FPRRD

Usap-usapan ng mga netizen ang pagsali sa "2026 is the new 2016" trend ng social media personality na si Christian Antolin, matapos niyang i-post ang throwback photos niya noong 2016.

Kasama sa mga lumang larawang ibinahagi niya ay larawan nila nina Unkabogable Star Vice Ganda at dating pangulong Rodrigo Duterte.

Mababasa sa caption ng Facebook post niya, "For me hindi bagay kay Kitty Duterte yung short hair nung 2016. Ems! Jubis ko! Siopao yarn???"

Samantala, sa larawan nila ni FPRRD, mababasa ang "Labas ako dyan. Nagpapicture lang ako noon."

Tsika at Intriga

Flight hindi fight! Jellie Aw, Jam Ignacio nag-celebrate ng anniversary?

"Nasa Marco Polo [Hotel] kami kumakain nyan tapos biglang dumating yung group ni FPRRD."

Para naman sa throwback photo nila ni Meme Vice, sinabi ni Christian na dumiretso sila sa block screening ng pelikula ng komedyante noon.

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens sa throwback post ni Christian.

"Ang '2026 is the new 2016' trend ay balik-tanaw sa mga nauso noong taong 2016 at personal na highlight ng bawat netizen, kabilang din ang local at international celebrities.

Ayon sa ilang lathala, ang taong 2016 ay isang “pivotal year” para sa global pop culture dahil dito umusbong ang internet memes, trends tulad ng Bottle Flip Challenge, Mannequin Challenge, Running Man dance challenge online, maging ang nakakatawa ngunit makapanindig-balahibong “clown pranks” online.

Para sa ilan, binabalikan nila ang taong 2016 dahil kumpara sa kasalukuyan, mas simple pa ang buhay nila noon, at wala pa masyadong pressure na maging “perfect” sa social media.

Kaugnay na Balita: ALAMIN: Ano ang nauusong ‘2026 is the new 2016’ trend sa social media?