Kinilala sa international scene ang probinsya ng Camiguin matapos itong makapasok sa listahan ng “52 Places to Go in 2026” ng The New York Times (NYT), kamakailan.
“A water lover’s paradise with sandbars and hot springs,” paglalarawan ng NYT sa kanilang publication noong Enero 7.
Saad pa rito, ang bilang volcanic island ng katimugang bahagi ng Pilipinas, ang Camiguin ay hitik sa masasaganang bundok, black-sand beaches, at mga puno ng buko, na patuloy pang pinalalago ng bansa para makahiyakat ng turismo.
“Camiguin, a volcanic island in the southern Philippines without a single traffic light but with plenty of lush mountain peaks, black-sand beaches and towering coconut palms, has been rolling out improvements to entice more visitors,” saad sa deskripsyon nito.
Ani pa ng international publication, ang isla ng Camiguin ay mayaman sa lokal na mga luto at pamanang kultural , kabilang dito ang Sunken Cemetery sa Catarman, eco farm tours, at ang Lanzones Festival.
“The island is rich in local cuisine and in cultural heritage, including a sunken cemetery, an eco farm tour and an islandwide fall festival celebrating the sweet lanzones fruit,” pagkilala pa nito.
Binanggit rin dito ang nalalapit na pagtatapos ng 40-mile road na napaliligiran ang buong isla, at ang kauna-unahang boardwalk rito sa bayan ng Mambajao, na nakatakdang buksan ngayong 2026.
Maging ang pag-usbong nito sa sports tourism, at pagbubukas ng bagong triathlon sa Mayo, at ilan pang swimming at running races.
Sa kabilang banda, ibinahagi naman ni Department of Tourism (DOT) Sec. Christina Garcia Frasco na ang pagkilala ng NYT sa Camiguin ay hindi lamang dahil sa taglay nitong kagandahan ngunit dahil na rin sa walang-sawang pagtatrabaho ng tourism workers at provincial government rito.
“This recognition by the New York Times affirms not only Camiguin’s extraordinary natural beauty, but also the tireless work of its people, its tourism frontliners, and the committed leadership of Governor Xavier Jesus Romualdo and the provincial government in elevating Camiguin as a globally competitive destination,” ani Frasco.
Binanggit din ni Frasco na ang pagkilalang ito ay mainam na pagkakataon para ipakilala ang “Isle Visit Camiguin 2026” campaign na layong mas makahiyat ng mga bisita at turista sa isla ngayong taon.
“The recognition comes at a ripe timing for Camiguin which recently introduced its “Isle Visit Camiguin 2026” campaign, noting nearly-finished developments set to attract more travelers on the volcanic island in 2026,” saad ng kalihim.
Kabilang rin sa mga lugar na nailathala sa publication ng NYT ay ang Assisi, Italy; Portland, Ore; Iceland; Armenia; Nagasaki, Japan; Bangkok; at Saba, the Caribbean.
Sean Antonio/BALITA