Inamin ni Kapuso actress Kris Bernal na hindi na raw siya komportableng gumawa ng love scenes ngayong may asawa at anak na siya.
Sa latest episode kasi ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Biyernes, Enero 16, binanggit ni Boy ang tungkol sa mga daring scenes ni Kris sa bago niyang teleseryeng “House of Lies” kasama sina Martin Del Rosario at Mike Tan.
“Hirap na hirap ako sa mga love scenes,” sabi ni Kris. “Hindi kasi ako comfortable na may kahalikan ako na hindi ko close.”
Dagdag pa niya, “Siguro no’ng single ako, okay lang. Pero ngayong kasal na ako, may anak na ako parang medyo nako-conscious na ako ‘pag napanood niya ito.”
Pero alam naman daw ng ng mister niyang si Perry Choi na may mga eksena ng tukaan sa nasabing teleserye.
“Nagpaalam po ako,” anang aktres.
Matatandaang Agosto 2023 nang manganak si Kris sa panganay nila ni Perry. Matapos ito, tumutok muna siya sa pag-aalaga ng kaniyang anak.
Maki-Balita: Kris Bernal nanganak na ng baby girl!
Kaya ang “House of Lies” ay ang unang proyekto ni Kris matapos ang halos tatlong taong pamamahinga sa showbiz industry.