January 24, 2026

Home FEATURES Trending

100-anyos viral na lola, cereal, oats, alak lang maintenance sabi ng apo

100-anyos viral na lola, cereal, oats, alak lang maintenance sabi ng apo
Photo courtesy: KnowNoy (TikTok)

Kinatuwaan ng netizens ang video ng isang 100-anyos na masigla pang nag-eehersisyo sa kabila ng kaniyang edad. 

Ayon viral post ng TikTok user na nagngangalang “KnowNoy” noong Enero 15, 2026, sinabi niyang magdiriwang na rin ng pang-101 na kaarawan ang kaniyang lola sa darating na Pebrero 28, 2026. 

“She will be turning 101 years old this coming Feb 28 and still pumping. What excuses could I have?” mababasa sa caption ng nasabing uploader.

Dahil dito, umani ng samu't saring reaksyon mula sa netizens ang naturang video ni KnowNoy. 

Trending

ALAMIN: Sakit na ‘Diverticulitis’ ni PBBM, life-threatening nga ba?

Tila marami sa mga nakapanood ng nasabing video ang nagtatanong ng daily routine at maintenance ng lola ni KnowNoy at pabirong sinagot ng uploader ang kuwestiyon ng isang netizen. 

“Galing naman po wala po bang mga maintenance or anu po ang tip para humaba at lumakas ng ganyan?” pagtatanong ng netizen. 

Anang uploader, cereal drink sa umaga, oats sa hapon, at tamang alak lang sa gabi umano ang maintenance ng kaniyang lola. 

“Yung maintenance nya po is energen sa umaga quaker oats naman sa hapon tas tamang redhorse lng pag okasyon,” sagot niya. 

Photo courtesy: KnowNoy (TikTok)

Bukod dito, narito pa ang ilang kometong iniwan ng mga tao sa naturang post ni KnowNoy: 

“Tama yan nay dapat may panipa din paminsan HAHHAHAHAHAAHAHH” 

“Kaya pala namn ganado pa, solid ng vitamins” 

“Tama ganyan lola ko 98 na turning 99 this year ang sikreto wag daw masydong kumain” 

“Ang cute naman ni lola” 

“Panigurado nag eenglish yan sha pag lasing na” 

“Hindi ba nagmamaoy si lola pag lasing?” 

“101?! NO WAYYYYY? Nahiya ako, feeling ko kelangan ko na din gumalaw galaw gaya ni lola.” 

Samantala, habang sinusulat ito, kasalukuyan nang may 1 million views at mahigit 100k hearts ang TikTok video ni KnowNoy. 

MAKI-BALITA: Naka-get, get aw ng tiket! 'Pinalaki ng SexBomb' napa-split sa tuwa

MAKI-BALITA: ALAMIN: Ano ang nauusong ‘2026 is the new 2016’ trend sa social media?

Mc Vincent Mirabuna/Balita