January 24, 2026

Home BALITA Probinsya

‘This is not tradition, it's animal cruelty!' AKF, kinondena pagbabalik ng Pasungay Festival

‘This is not tradition, it's animal cruelty!' AKF, kinondena pagbabalik ng Pasungay Festival
Photo courtesy: MB file photo

Binengga ng Animal Kingdom Foundation (AKF) ang nalalapit na selebrasyon ng Pasungay Festival, kung saan iginiit ng organisasyon na pawang animal abuse lamang daw ang nasabing tradisyon sa Iloilo.

Sa Facebook post ng AKF nitong Biyernes, Enero 16, 2026, muli nilang ipinanawagan ang nasabing tradisyon sa bayan ng San Joaquin at iginiit na labag sa animal welfare law ang naturang selebrasyon.

"Tradition is not an alibi for cruelty! AKF strongly opposes the continuation of the Pasungay portion of the festival in San Joaquin, Iloilo," anang AKF.

Ang Pasungay Festival ay isang makulay na pagdiriwang sa  Iloilo na nagbibigay-parangal sa pangunahing kabuhayan ng lugar—ang pag-aalaga ng kambing. Ang salitang “pasungay” ay hango sa sungay ng kambing, na sumasagisag sa kasipagan, tibay ng loob, at kasaganahan ng mga mamamayan ng New Lucena.

Probinsya

Taxi driver na tinangkang molestiyahin pasahero niya sa Davao City, tinutugis na!

Idinaraos ito bilang pasasalamat sa biyaya ng agrikultura at paghahayupan, at bilang paraan upang ipakita ang identidad at kultura ng bayan. Ipinapakita nito kung gaano kahalaga ang kambing sa kabuhayan, pagkain, at ekonomiya ng komunidad.

Samantala, iginiit pa ng AKF na bagama't hindi raw nakakamatay para sa mga hayop, partikular na sa baka ang Pasungay, nananatili pa rin daw itong bayolente sa kapakanan ng mga hayop.

"The 'bloodless' culture of pitting bulls against each other may not kill them, but it is cruel and a violation of our animal welfare laws. Our tradition must ervolve with the moral standards of the time," saad ng AKF. 

Saad pa ng AKF sa hiwalay na post, "When government inaction allows local authorities to promote violence under the guise of 'tradition,' silence is no longer neutrality, it is complicity."