Pinutakti ng samu’t saring mga reaksiyon at komento ang latest social media post ng aktres at Quezon City councilor na si Aiko Melendez.
Kaugnay ito sa ginawang pagbisita ni Aiko kay Vice President Sara Duterte kamakailan, na tinawag niya pang “Madam President.”
"Nagkaroon ako ng pagkakataong bumisita sa opisina ni Madam President Inday Sara Duterte at magkaroon ng isang makabuluhan at taos-pusong pag-uusap," ani Aiko sa kaniyang post.
MAKI-BALITA: 'Walang arte!' Aiko binida pagbisita kay VP Sara, 'Madam President' na ang tawag-Balita
Mababasa naman sa kaniyang latest Instagram (IG) post ang mga naging komento ng netizens hinggil sa pagbisita niya sa opisina ng Pangalawang Pangulo.
Photo courtesy: Aiko Melendez/IG
Samantala, nakatanggap pa rin naman ng suporta si Aiko mula sa kaniyang mga tagasubaybay.
“Owwwww ,Maraming Salamat Ma'am Aiko,hinintay ko talaga to na magkita kayo.Salamat sa respito,God Bless You both”
“VERY VOCAL TLGA SI MISS @aikomelendez BILANG DUTERTE SUPPORTER…”
“Kons @aikomelendez BILIB AKO LALO SA TAPANG MO SA PANINIWALA SA ISANG @indaysaraduterte ALAM NAMAN NATIN SA SHIWBIZ .. HATI ang mga Paniniwala ! SALAMAT PO KONS.”
“kaya nga sobrang hanga ako mula nuon pa, may Panindigan at Palaging sa Tama lang Talaga…We Love you @aikomelendez to the max”
“Wow look at that office of the Vice President... no glamorous around just Flags and table with regular drop ceiling's.. love you both girls Power!”
“@aikomelendez Kaya bata palang ako fave na kta. Not only a great actress but also a person who 'thinks' BTW are u aware na mejo hawig kau? Don't mind ung mga gsto mga mag-unfollow. Napaka-toxic ng mga ugali. Claiming for your both WIN.”
Matatandaang ibinahagi rin ni Aiko kamakailan na matagal na silang magkakilala ng Bise Presidente, at mayroon pa nga raw silang personal na palitan ng mga mensahe.
“Personal po siyang sumasagot sa mga mensahe,” saad ni Aiko.
MAKI-BALITA: 'Tapang bilang babae, 'di matatawaran!' Story time ni Aiko tungkol kay VP Sara, umani ng reaksiyon-Balita
Vincent Gutierrez/BALITA