Mahiwaga, pipiliin ka sa araw-araw
Ikinasal na sa kaniyang longtime girlfriend si Paolo Benjamin Guico ang bokalista ng OPM indie folk-pop na Ben&Ben, noong Biyernes, Enero 15.
“Congratulations to our newlyweds!!!!!! Sobrang saya i-celebrate ng pagmamahal niyo. Mahal namin kayo ,” pagbati ng Ben&Ben sa pag-iisang dibdib nina Paolo at Rachel.
Makikita rin sa Instagram post at stories ng Mayad Studios ang mga litrato ng bagong mag-asawa simula preparation hanggang sa reception.
“The other Ben just got married! Paolo Benjamin Guico and Rachel Guico’s love comes full circle,” saad nila sa kanilang caption.
Ilan sa guests nina Paolo at Rachel sa kasal nila ay sina Primetime King and Queen, Marian Rivera at Dingdong Dantes, bilang ninong at ninang, at ang singer na si Moira Dela Torre.
Matatandaang unang inanunsyo ni Paolo ang engagement nila ni Rachel noong Enero 2025, at noong Disyembre, nagbahagi siya ng tribute post para sa kanilang 4th anniversary bilang mag-nobyo.
Sean Antonio/BALITA