January 24, 2026

Home BALITA National

Nasaan si Atong? Abogado ni Ang, pinayuhan kliyente na 'wag sumuko sa awtoridad

Nasaan si Atong? Abogado ni Ang, pinayuhan kliyente na 'wag sumuko sa awtoridad
Photo courtesy: BALITA FILE PHOTO

Kinumpirma ng abogado ng negosyanteng si Atong Ang na si Atty. Gabriel Villareal na pinayuhan niya itong huwag sumuko sa mga awtoridad sa kabila ng warrant of arrest inilabas ng Korte laban sa kaniya. 

Ayon sa naging panayam ng DZMM TeleRadyo kay Villareal nitong Biyernes, Enero 16, sinabi niyang marami pa raw legal remedies na dapat nilang daanan bago tuluyang sumuko ang kliyente niyang si Ang. 

“‘Yon po ang payo ko sa kaniya kasi marami ka naman legal remedies na natitira at ‘yong dapat ay i-exhaust natin bago ka dapat sumuko,” pagsisimula niya.  

Ani Villareal, tila mahirap daw na isapalaran ni Ang ang buhay niya sa awtoridad lalo na at sinabihan niyang “armed and dangerous” at may patong nang 10 milyon mula anunsyo ng mga awtoridad noong Huwebes, Enero 15, 2026.

National

Sen. Estrada sa ₱800 wage hike ng mga kasambahay: 'A great help'

“Bakit naman niya ipagsasapalaran ‘yong sarili niya sa pagsuko ay ganiyang ipinapalabas na siya'y isang ‘armed and dangerous’ [at] merong bounty sa ulo niya,” aniya. 

Dagdag pa niya, “Kung maaaktuhan ‘yan na palabasin na nanlaban… kawawa naman si mister Ang. masyado ng nape-prejudge ng gobyerno si mister Ang.”

KAUGNAY NA BALITA: May ₱10M patong sa ulo: Atong Ang, isa na sa mga 'most wanted' sa Pilipinas!

Anang abogado, dapat din daw na irespeto ng gobyerno ang mga karapatan ni Ang kagaya ng pagrespeto nila sa pamahalaan. 

“Kami, we have and we continue to be respectful to the government. We hope that they also respect the rights of my client. ‘Yong lang naman ang hinihingi ko,” diin niya. 

Humingi din umano ng motion for reconsideration si Villareal sa Regional Trial Court (RTC) ng Santa Cruz, Laguna sa paglalabas nito ng arrest warrant laban kay Ang at pag-aralan ulit ang desisyong iyon. 

“Ang nangyari, ‘yong pinasa na papeles ng Department of Justice kay Judge ay kulang-kulang. Hindi pinasa kay Judge ‘yong mga counter affidavit ng mga akusado. Lalo na ‘yong counter affidavit ni mister Ang kung saan niya ipinapakita na walang kaebi_ebidensya laban sa kaniya na naipresenta sa tribunal investigation… wala ng ebidensyang naipasa sa Korte…” paliwanag niya. 

Dahil umano dito, pinayuhan ni Villareal si Ang na siguraduhin ang kaniyang kaligtasan at manatiling buhay. 

“‘Yong duda ko na po parang mina-manage ‘yong scenario para lumabas na ganoon. Kaya ako kahapon ay nangangamba—kaya nga sabi ko, I would advise my client to keep safe and keep himself alive,” pagtatapos pa niya. 

MAKI-BALITA: Mga armas ni Atong Ang, patatanggalan na rin ng lisensya—PNP

MAKI-BALITA: Bakbakan na? ‘320k na mga pulis, magkakasa ng 'manhunt op' kay Atong Ang!’—SILG Remulla

Mc Vincent Mirabuna/Balita