Ibinahagi ng Philippine Charity Seeepstakes Office (PCSO) na nabili sa Marikina City ang winning ticket na nagwagi ng mahigit ₱15 milyong jackpot prize sa Super Lotto 6/49, nabatid nitong Biyernes, Enero 16.
Matatanddang napanalunan ng lone bettor ang ₱15,840,000.00 nitong Huwebes ng gabi, Enero 15.
Maki-Balita: 'May milyonaryo ulit!' Lone bettor, wagi ng ₱15M sa Super Lotto 6/49!
Samantala, ang jackpot estimate ngayong Biyernes sa Mega Lotto 6/45 ay aabot sa ₱23,000,000.00 habang ₱243,500,000.00 naman ang premyo na puwedeng mapanalunan sa Ultra Lotto 6/58.