Humingi ng tawad ang maraming netizens kay dating Kapamilya star Liza Soberano matapos umanong mapatunayang tama ang ikinuda niya tungkol sa panganib na dala ng loveteam sa Philippine showbiz.
Sa X post ni Liza noong Huwebes, Enero 15, kinuwestiyon niya kung bakit humihingi sa kaniya ng paumanhin ang mga netizen.
Ito ay matapos maintriga sina dating celebrity housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition season 1 Mika Salamanca at Will Ashley na magkasamang naglamyerda sa Hong Kong sa kabila ng love team na kinabibilangan nila sa isa’t isa.
Maki-Balita: Lamyerda sa HK nina Will Ashley at Mika Salamanca, minalisya!
“Why are people saying sorry to me? I’m so confused…” saad ni Liza.
Komento ng isang netizen, “They cancelled you after your loveteam remarks, only to be proven that you're right. ”
“Well, thank you, I guess hehe. I never really got to expound on why I personally think it’s ‘dangerous’ to be in a love team, so it makes sense people got offended,” sagot ng dating Kapamilya star.
Dagdag pa niya, “They didn’t fully understand where I was coming from.”
Matatandaang naging kontrobersiyal ang pahayag ni Liza tungkol sa kultura ng loveteam sa Pilipinas nang sumalang siya sa podcast na “Get Real” nina Ashley Choi at Peniel noong 2023.
Aniya, naikakahon umano ang mga artista sa pamamagitan ng loveteam dahil sa ilusyong nililikha ng kanilang mga die-hard supporters na sila ay mga real-life couple.
Ito umano ang dahilan kung bakit nagngitngit ang kalooban ng sakaling sakaling ipares ang kanilang paboritong love team sa ibang artista.
Maki-Balita: Pahayag ni Liza tungkol sa 'love team' sa Philippine showbiz, umani ng reaksiyon