Nanawagan ang International Criminal Court (ICC) sa umano’y mga biktima ng War on Drugs na magbigay ng testimonya sa kanila mula noong 2011 hanggang 2019.
Ayon sa naging panawagan ng ICC sa kanilang Facebook page nitong Biyernes, Enero 16, ipinaliwanag nila sa publiko na nag-iimbestiga sila sa umano’y krimeng kaugnay sa War on Drugs na naganap sa Pilipinas mula Nobyembre 2011 hanggang Marso 2019.
“The Office of the Prosecutor of the International Criminal Court is investigating allegations of crimes against humanity perpetrated in the Philippines, including killings, torture and sexual violence, as part of the so-called War on Drugs campaign between November 2011 and March 2019,” mababasa sa caption ng kanilang post.
Screenshot mula sa post ng ICC sa Facebook
Hinikayat ng ICC ang mga nasabing biktima na lumapit at magbigay ng testimonya sa tanggapan nila kabilang din ang mga miyembro ng Philippines National Police (PNP) at iba pang law enforcement.
“The Office is appealing for direct witnesses to these incidents, including members of the Philippine National Police (PNP) and other law enforcement agencies who were involved in these incidents, to come forward and speak with members of the Office,” anila.
Maaari umanong mag-fill out ng form ang biktimang nagnanais magbigay ng kanilang testimonya sa link na ito:
Matatandaang hindi pinahintulutan ng International Criminal Court (ICC) ang interim release ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa dokumentong inilabas ng ICC noong Oktubre 10, 2025, kinuwestiyon nito ang umano'y humanitarian grounds hinggil sa medikal na kondisyon ni Duterte habang nakadetine sa kanilang kustodiya.
Iginiit din ng ICC mananatili pa rin daw silang bukas para sa karapatan ni Duterte, kabilang ang pagpapahintulot na makabisita ang kaniyang mga kapamilya.
MAKI-BALITA: 'Rejected!' 'Humanitarian reasons para sa interim release ni FPRRD, 'di pinayagan ng ICC
MAKI-BALITA: Drug war victims, tutol sa apela ng kampo ni Duterte sa impormasyon ng mga testigo
Mc Vincent Mirabuna/Balita