Tinatayang nasa higit 6,000 ang bilang ng mga pasahero at driver na na-stranded sa mga pantalan sa iba’t ibang rehiyon sa bansa bunsod ng pananalasa ng bagyong Ada.
Ayon sa 8 AM to 12 PM maritime advisory ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong Biyernes, Enero 16, ang naitalang 6,064 na mga na-stranded ay binubuo ng 37 sasakyang-pandagat at 2,352 rolling cargoes.
Habang 57 sasakyang-pandagat at 34 motorbanca naman ang kasalukuyan nang lumikas sa ligtas na lugar.
Ang mga talang ito ay mula sa mga rehiyon ng Eastern Visayas, Central Visayas, Bicol, at Northeastern Mindanao.
Sa kaugnay na ulat, patuloy na binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang galaw ng bagyong Ada sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
MAKI-BALITA: Unang bagyo sa 2026! LPA, ganap nang bagyong 'Ada'
Sean Antonio/BALITA