January 26, 2026

Home BALITA

Diokno rumesbak sa pambabastos ng Chinese officials kina Pangilinan, Tarriela, De Lima

Diokno rumesbak sa pambabastos ng Chinese officials kina Pangilinan, Tarriela, De Lima
Photo Courtesy: Chel Diokno, Kiko Pangilinan, Leila De Lima, Jay Tarriela (FB), Pexels

Kinatigan ni Akbayan Rep. Chel Diokno sina Mamamayang Liberal Rep. Leila De Lima, Sen. Kiko Pangilinan, at Philippine Coast Guard (PCG) spokesman Jay Tarriela mula sa pambabastos ng Chinese officials.

Sa X post ni Diokno nitong Biyernes, Enero 16, sinabi niyang nilabag umano ng mga opisyal ng China ang Article 41 ng Vienna Convention on Diplomatic Relations.

Aniya, “Article 41 explicitly requires diplomats to respect the laws and regulations of the receiving State and, most importantly, to refrain from interfering in its internal affairs.

Kaya naman nanawagan ang kongresista sa Department of Foreign Affairs (DFA) na agarang umaksyon para matigil ang impunidad na ito. 

Trillanes, nagpasalamat kay Ogie Diaz matapos supalpalin si Belgica

“Hindi natin dapat pahintulutan ang Chinese Embassy at ang bago nitong ambassador na bastusin ang Pilipinas at ang ating mga opisyal sa sarili nating teritoryo na pilit nilang inaangkin,” dugtong pa ni Diokno.

Matatandaang naghain ng diplomatic protest ang embahada ng China laban kay Tarriela dahil sa umano’y paninira at pag-atake nito sa kanilang lider. 

Sinagot din nila ang pasasalamat ng PCG spokesman matapos nitong pasalamatan ang pagtindig ni De Lima sa West Philippine Sea.

“No matter when you make fallacious remarks on China and the South China Sea, and regardless of how many helpers you may call—one, ten, or a hundred—we are always ready to respond,” saad ng embahada ng China sa Maynila.

Dagdag pa nila, “We will continue to tell facts and share truth to promote understanding and avoid miscalculation so as to grow the China-Philippines relationship in a sound way.”

Samantala, binatikos din ng embahada ang pagpuna ni Pangilinan sa military drills ng Beijing malapit sa Taiwan kamakailan kasabay ng pagpapaalala tungkol sa “one-China policy.”