January 24, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Da hu? Misteryosong boylet na kasama ni Jiliian sa video, hinulaan ng netizens

Da hu? Misteryosong boylet na kasama ni Jiliian sa video, hinulaan ng netizens
Photo Courtesy: Screenshots from Jillian Ward (TikTok)

Palaisipan sa marami kung sino nga ba ang kasamang lalaki ni Kapuso Sparkle artist Jillian Ward sa kaniyang unang TikTok video for 2026.

Sa isang TikTok post ni Jillian noong Huwebes, Enero 15, mapapanood ang nasabing video kung saan sumasayaw siya habang nakatago naman ang lalaki sa likod niya na binibida ang bicep nito.

“[F]irst TikTok for 2026,” saad ni Jillian sa caption.

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing video. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:"plot twist si Emman Bacosa yan"

Tsika at Intriga

'Di nila gets ang pressure!' Mikee Quintos, inungkat 'pabigat' issue sa group work noong college

"Si raheel bhyria yan, nag tagay nga kami kanila emman kagabi"

"Late si Emman, di niya na repost agad. "

"aray ko Boss Emman naunahan tayo"

"sige, kunwari di namin alam na si emman yan"

"halata naman si Emman yan, the way kung pano gumalaw"

"Si chavit yan"

"Si Will Ashley"

"kunyari di nmin alam na si chavit yN haha"

Matatandaang si Raheel Bhyria ang kasalukuyang ka-love team ni Jillian. Ngunit iniuugnay din siya sa anak ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao na si Eman Bacosa matapos aminin ng huli na crush siya nito.

Maki-Balita: Ka-love team ni Jillian, hinamon ng sparring si Eman

Samantala, inintriga naman ng ilan si Jillian kay dating Ilocos Sur Governor Luis "Chavit" Singson na umano’y sugar daddy niya na parehong pinabulaanan mismo ng dalawa.

KAUGNAY NA BALITA: 'Sobrang absurd!' Jillian Ward, bumoses na sa pagkakaugnay kay Chavit Singson

KAUGNAY NA BALITA: Chavit kay Jillian Ward dinidikit, may relasyon ba?

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, hindi pa iniispluk ni Jillian kung sino ba talaga ang kasama niyang lalaki. Umabot na 658.8K likes ang video habang 7.3M naman ang views.