Ibinahagi ni Kapuso actress Bianca Umali ang masaklap na sumalubong sa kaniya pagpasok ng taong 2026.
Sa latest Facebook post ni Bianca nitong Biyernes, Enero 16, sinabi niyang napahinto umano siya sa kaniyang tinatahak dulot ng takot sa kalusugan niya.
“This is how my 2026 started - with health scares that stopped me in my tracks and quietly opened my eyes in ways nothing else ever could,” saad ni Bianca.
Dagdag pa niya, “It made me pause, reflect, and look at life a little differently moving forward.”
Samantala, hindi na isiniwalat pa ng Kapuso actress ang buong detalye tungkol sa nangyari sa kaniya. Pero sa ngayon, maayos naman na raw siya at unti-unti nang nakakabalik sa dati.
Ayon kay Bianca, ipinaalala umano sa kaniya ng pangyayaring ito kung paano naisasantabi madalas ang kapakanan ng sariling kalusugan.
“I’ve always been a workaholic - someone who loves what she does, who shows up fully, who pushes through and keeps going even when the body is quietly asking for rest,” anang aktres.
Kaya naman ngayon taon, ipinangako ni Bianca sa sarili na mas aalagaan niya ang kalusugan, makikinig nang mas maagap sa sinasabi nito, magdadahan-dahan kung kinakailangan, at uunahin lagi sa listahan ang kalusugan.