January 25, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

‘Baka ikulong ka sa CR!’ Video nina Dingdong Dantes, Max Collins minalisya

‘Baka ikulong ka sa CR!’ Video nina Dingdong Dantes, Max Collins minalisya
Photo Courtesy: Screenshots from Max Collins (FB)

Hindi nakaligtas sa intriga ang simpleng video collaboration nina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Kapuso actress Max Collins.

Sa latest Facebook post ni Max noong Huwebes, Enero 15, mapapanood ang nasabing video na kuha sa isang dagat. Tila promotional video ito para sa bagong proyektong pagsasamahan nila.

“#TheMasterCutter comin’ in hot this 2026 ” mababasa sa caption ng post.

Umani naman ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang video ni Max. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Tsika at Intriga

Will Ashley, Mika Salamanca 'confirmed' na may relasyon?

"Ingat Max, baka ikulong ka sa CR"

"Prang marewar. "

"Ito susunod na ikukulong ni Marian sa CR. Haha "

"ano kaya movie nila ? mukang kaabang abang "

"Magselos na naman si Marian nyan hahaha"

"After this I’m sure Marami mangyayari Gossip hahaha"

"Hala prang may bed scene to! Naku pooooo.... ikalma mo Max magandang lalaki si Dingdong"

"check mo po lagi if may ibang tao sa labas ng cr,bago ka pumasok,.ahahahaha Charrr lang"

Matatandaang lumutang noong 2010 ang tsikang pinag-initan umano ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera si Bela Padilla dahil sa selos. 

Kinulong pa umano ni Marian si Bela sa banyo sa kasagsagan ng out-of-town taping ng “Endless Love.” Ito ay matapos umanong i-shoot ang love scene sa pagitan ng huli at ni Dingdong.

Sa huli, nagkasundo ang magkabilang kampo na iisantabi na lang ang nasabing isyu.