January 26, 2026

Home SHOWBIZ

'Ang cute pa rin!' AJ Raval 'fangirl' sa ex-loveteam na si Aljur at Kris Bernal

'Ang cute pa rin!' AJ Raval 'fangirl' sa ex-loveteam na si Aljur at Kris Bernal
Photo courtesy: AJ Raval/FB


Fangirling ang atake ng dating Vivamax sexy actress na si AJ Raval sa dating loveteam na sina Kris Bernal at ang kasalukuyan niyang karelasyon na si Aljur Abrenica.

Sa isang social media post na ibinahagi ni AJ noong Huwebes, Enero 15, mababasang sinabi ng dating sexy actress na naku-kyutan siya sa dalawa.

“Saw them yesterday at TikTokClock Studio grabe, ang cute pa rin…love team vibes…They’re full of positivity. Took this photo fangirling over here,” saad ni AJ sa kaniyang social media post.

Photo courtesy: AJ Raval/FB

Umani naman ng samu’t saring mga komento at reaksiyon ang naturang post ni Aj.

“balik tambalan na daw my kilig parin”

“Bagay talaga silang dalawa tapos bagay tayong dalawa Aj Raval HAHAHAHA”

“Napaka supportive mo talaga AJ kaya idol kita e ever since lagi ko pinapanood palabas mo fan din ako Ng AlKris”

Elijah Canlas, ilang beses ‘inechos’ ng filmmakers

“potek naging unang profile pic ko sila dati dto sa account kong to”

“Kilig ako sa kanila dati haha”

“bigay muna si aljur sa kanya ma'am tapos sakin kana lang”

“Halla sila tlga Yung Ang alam ko noon is sila Ang magkakatuluyan…fan nila Ako”

Matatandaang sumikat ang tambalang Kris at Aljur noong 2000s, matapos ang kanilang pagsali sa first reality TV-based artista search ng GMA Network na “Starstruck.”

Vincent Gutierrez/BALITA