January 26, 2026

Home FEATURES Trending

ALAMIN: Ano ang nauusong ‘2026 is the new 2016’ trend sa social media?

ALAMIN: Ano ang nauusong ‘2026 is the new 2016’ trend sa social media?
Photo courtesy: Freepik,Gabbi Garcia (IG)

Nahalungkat mo na rin ba ang social media archives at phone gallery mo?

Kakapasok pa lang ng taong 2026, puno ng throwback photos ang social feed ng marami. 

Mula sa dog at flower-crown filters, chokers, hanggang sa “eyebrows on fleek” selfies, ibinabahagi ng netizens ang mga naging ganap sa buhay nila sampung taon na ang nakakalipas.  

Iba-ibang kuwento, iba-ibang trip, ngunit iisang caption, “2026 is the new 2016.” 

Trending

ALAMIN: Ang pagtaob at pagkawala ng MBCA Amejara sa Davao

Ano nga ba ang naglipanang trend na ito?

Ang “2026 is the new 2016” trend ay balik-tanaw sa mga nauso noong taong 2016 at personal na highlight ng bawat netizen, kabilang din ang local at international celebrities. 

Ayon sa ilang lathala, ang taong 2016 ay isang “pivotal year” para sa global pop culture dahil dito umusbong ang internet memes, trends tulad ng Bottle Flip Challenge, Mannequin Challenge, Running Man dance challenge online, maging ang nakakatawa ngunit makapanindig-balahibong “clown pranks” online. 

Para sa ilan, binabalikan nila ang taong 2016 dahil kumpara sa kasalukuyan, mas simple pa ang buhay nila noon, at wala pa masyadong pressure na maging “perfect” sa social media. 

Paano ito ginagawa? 

Base sa mga nagkalat na posts online, ang kailangan lang dito ay mga litrato na naging highlight ng taong 2016, galing man ito sa social media archives, phone gallery, o “memory box” na naaalibukan na sa kwarto. 

Saan man i-post ang throwback, huwag mahiyang i-caption ang istorya sa likod ng bawat litrato–”to be cringe is to be free” ika nga ng Millennials at Gen Zs na nanguna sa trend na ito. 

Sino-sino ang mga personalidad na nakisakay sa trend na ito? 

Para may mapaggayahan o reference, narito ang ilan sa celebrities na napa-throwback na rin dahil sa “2026 is the new 2016” trend: 

1. Gabbi Garcia 

 

2. Megan Young 

3. Alexa Ilacad 

4. Joyce Pring

5. Donny Pangilinan

Sean Antonio/BALITA